Wednesday, August 19, 2015

"Homeward Bound" - Expat Owned Avida 1BR Condo in Makati For Sale at Fair Market Value

PNR Pasay Station Platform Northbound
Creative Commons License CC-BY-SA
I was elated when I discovered that the PNR Pasay Road Station was right behind the condominium I visited. I could go on a train ride to Alabang in one ride. 15 Pesos. (Approx $0.30)

My first client.

No frills, no BS, ready to be lived in, includes a new mattress, a small desk, a medium sized refrigerator, a microwave oven, an AC unit. Perfect for a quick relocation for the expat who wants a quick stay in the Philippines.

With a packed suitcase on the ready, client's homeward bound. 

Northbound PNR Train
Creative Commons License CC-BY-SA
The unit's ready for the next owner.

The View 

There's no view. :)

Like I said, no frills. (Pictures below)

You can look at three neighboring buildings. The winds are fair though. 
Perfect for those Executive "I need a place in Makati quick" types who just wants privacy and a decently comfy place to stay in the financial district when in the Philippines

Pasay Road Station Behind Avida San Lorenzo
Creative Commons License CC-BY-SA
Avida's standards are fairly high though, so I'd say, "Mid-High End Comfy Place to Stay in Makati" instead.

Granted, Avida is Ayala, (The company name and their family name. They're like the Rockefellers, the Forbes or the Waltons of the Philippines) you'll get the same treatment you'll get whenever in an Ayala building.


Access

One skip and a hop you're in Makati, one jump and a cartwheel you're in Pasay, a train ride away and you're either in Alabang (going to the South) or North to (Manila City).

Plenty of taxis to get you to the airport in give or take 20 to 40 minutes. Give it an hour and a half or two during heavy traffic.

You can literally walk over to the Pasay Road PNR (Philippine National Railway) train station. Try it once. It's mostly for Filipino workers coming to and from Makati-Alabang-Manila.

Skyway ramp is nearby.

Nearby

Walmart. You'll get food, electronic stuff and probably be handed a flyer or two about the next building nearby.
Homeward Bound from Client Visitation PNR Pasay Rd
Southbound
Creative Commons License CC-BY-SA



The lobby of Avida San Lorenzo
Makati 

The lobby of Avida San Lorenzo
Makati

The unit

New mattress of the bedroom
Yep, part of the deal
The matress is new

View of the balcony

Outside...


The "view" from the balcony
AC Unit
Laundry/Utility Area 

Condo bathroom
Standard power and cable

What you see...

Microwave and Ref part of the deal
Well lit hallway
 Details

  • 1 br 
  • 1 T&B
  • End unit
  • With balcony
  • 39 Sqm. 
  • Cash only direct buyer
Price P4,000,000 (approximately $86,400+ USD as of August 19, 2015)*
  • Seller would pay CGT and Broker's Commission.
  • Buyer would pay Documentary Stamps Tax, Transfer and other fees
Clicking on the Map will bring you to Google Maps


*Subject to changes in exchange rate
*Info from Google only and not from local Philippine currency exchange centers 

Wednesday, August 12, 2015

The Adventures of a Rookie Real Estate Broker - Chapter 3 "Puno"

Bago ang lahat, nais ko sanang isipin mo ang katanungang ito , "Ilang puno kaya ang pinutol dun sa lupang tatayuan ng bahay ko?"



Wala nanamang pamasahe si Danny pero ok lang, nakakatuwa nga at may panahon akong makipagbonding sa mga bata. At may kaunting panahon din para makapag-research tungkol sa mga developer na nais kong ipagbili.

Quantity is quality. Sabi kasi sa TV, "spend quality time with kids". Na tipong 5 minutes daw every day basta "quality" time, ok na. Pero ang sabi sa church, "quantity is quality".

Kung pwede nga lang hindi na lumabas ng bahay para lamang makasama sila, mas gugustuhin ko nga iyon, habang bata pa sila. Pero ngayong lumalaki na ang iba sa aking mga anak, siguro, mas mainam na nakikita nilang nagta-trabaho si Papa kahit papaano, at hindi lamang isang housedaddy.

Daig pa niya si Google, nung tinanong ko
"What is the meaning of life?"

"Laway lang daw ang puhunan"

Aba, iyan ata ang isa sa mga pinaka-ignoranteng comment na maririnig mo mula sa mga taong hindi edukado tungkol sa mga propesyon tulad ng pagiging REB o kaya nama'y abogado . Naaalala ko tuloy ang aking ama na noo'y isang abogado.

Nung buhay pa siya, sa amin niya inirereklamo ang ibang mga kliyenta niya habang kumakain kami ng dinner, sasabihin niya, "Nine years ng upper level education para maging abogado. Katakot takot na experience ang kailangan para makakuha ng client na may pambayad, magbibigay ng free legal assistance sa mga mahihirap, magsasakripisyo ng oras na dapat ay nakalaan sa pamilya, magsusunog ng kilay, magbabayad, mag-eexam at lahat lahat tapos sasabihin "Laway lang daw ang puhunan. Yung ibang mga mayayaman na clients, mga milyonaryo na yan ha, sila pa yung tumatawad na parang tumatawad sa presyo ng kamatis sa palengke."

Kaya tuloy, si Papa, habang bumibiyahe sa van namin noon, kasama kami titigil yan pag nakakita ng kahit anong prutas o pagkaing napag-tripan niya.

"Magkano po?" sasabihin niya habang nakadungaw sa bintana.

"150 po ang kilo." sasabihin nung vendor medyo maasim ang mukha sa init ng araw.

"Pwede bang 200 na lang?" ika ni Attorney na may poker face.

Ngiti yung matandang tindera. Hindi pa ata nakakarinig ng tawad na pataas.

Oo nga naman, mga farmers mga yan, hirap na nga sa pagtatanim, hirap sa pagbenta tapos tatawaran mo pa ng limang piso habang naka Fortuner ka?


Kung gusto mo ng professional service, ibigay ang karampatang professional fee. 


"Investment"

Ano nga ba ang puhunan sa pagiging real estate broker? Four year course, 120 credit units (last na batch na kami, next year mga BS-REM na lang ang pwedeng maging REB), pag due diligence sa property, pag busisi sa track record ng developer, pabalik-balik na paglalakad sa Registry of Deeds, tripping sa client, paggastos sa advertisement, pagtiis sa ilalim ng araw, pagsabak sa baha, pangsahod sa mga real estate salespersons (legal na terminolohiya para sa mga ahenteng naka kuha ng HLURB at PRC), pag-register sa PRC, HLURB at marami pang iba.

In short, lahat ng yan gagawin namin, habang ika'y parelax relax, pa chill lang sa pool malapit diyan sa condo o subdivision habang umiinom ng iced tea na may lemon pang nakasuksok. :)

Sabay banat, "Have you sold the property Danny?" (Sabay sipsip ng iced tea, habang pawis na pawis ang Danny na tabingi na ang kurbata.)

"Yes Ma'am!" haggard na haggard na ang Danny.


"In the beginning..."





There were strangers asking for your cellphone number, giving you eco-bags filled with house specifications, prices and brochures.

And then there was... more...

More brochures.

After ng oath-taking noong July 10, 2015, nakatanggap ang Danny ng mahigit 200 na email at hindi mabilang na text, tawag at iba pa. Okay lang, wag niyo lang ako bentahan ng Globe line. Walang signal ang Wimax dito di ba? Bakit tawag pa rin kayo ng tawaggggg?!?!?!

Sorry. Memories of Globe Telecoms...

Anyway, pagkatanggap ng tawag ay magpapa-accredit ka doon sa developer. For my techie readers, not the "developer" in the sense of software or app developers but real estate developers. Kasi bago makapagbenta ang isang tao ng sabihin na nating, house and lot sa Avida kunwari, kailangan:
  1. PRC Licensed Real Estate Broker ka. Then you sign some documents with them, usually Contracts of Agency, etc. 
  2. OR Real estate salesperson. They should have 12 units CPD, 2 year college course and work under the supervision and sometimes - employ - of a PRC licensed real estate broker. They must also work on their PRC and HLURB requirements. Without them, said "real estate agent" or "property consultant" is a "colorum agent" or a person illegally practicing real estate services. Punishable under the RESA law or RA 9646. A real estate broker can hire up to 20 real estate salespersons.
After accreditation, brokers usually go on a trip to the site to see how it looks like. Tripping ng broker. 


"Ano ba talagang ginagawa sa accreditation?"

Kumakain. YEHEY!

Masaya at may libreng pagkain. So far eto ang mga nakain ng Danny, for confidentiality purposes hindi ko na ididisclose kung sinong developer ang nagpakain kay Danny ng mga sumusunod na pagkain: 
  1. Max's fried chicken at pansit. Yes! Sarap to the bones.
  2. Chowking lumpia at pansit, butchi, chicharon fried siomai
  3. Jollibee Yum, free flowing coffee
  4. Gourmet food at naka-bow and tie pa po ang mga waiter. Sabi sa kin, ay "Sir, do you need more water?" Aba, syempre todo English mode ang Danny. "Why yes, of course, just a little bit, thank you.
  5. Adobo at Ministop hotdogs.
  6. Pansit.
Gourmet. Sabi ni kwan, wow gormet!

So, biro biro lang naman ang mga comparison. Wag ma ooffend :)

I'm very grateful naman sa kanilang lahat at pinakain ako ng walang bayad. Hindi naman ako araw araw nag JoJolibee o Mcdo tulad ng iba. Kahit kalahating kaha ng Marlboro lights, ok na po sa akin. May mga kakilala kasi ako na broker na nakakatuwa rin naman kung minsan sa hirit, ang sabi ay, "Bitin ako sa rice ayaw ko yung ulam." Sa isip isip ko, pasalamat ka na lang bro at wala ka namang binayaran. :)

Ok pala ang maging real estate broker. Pampered na pampered kami. Parang pakiramdam mo, ay importante ka talaga sa kanila, kahit hindi ka nila kakilala. 

So thank God, mukhang okay tong bagong napasukan kong to. 


Back to reality

Ang reality ay ganito, mahirap humanap ng buyer lalo na pag andami-damiiiii ng mga developer at broker. 5,220 ba naman kaming pumasa at baka maging 10,000 pa. Ay siya! Sa libo libong mga developer na may site sa iba-ibang lugar, kay raming kailangang ipagbili. 

Ang problema. Saan makakakita ng mga buyer? 

Sabi nila KKK. 

Nung una sabi ko KKK? 

"Kuripot Ka Kaya?"

"Kulang Kami Kash?"

Joke lang, kaibigan, kamaganak, kakilala (o kalaguyo daw, sabay iwas sa batok ni Komander)

Parang nahihiya naman akong pagbentahan ang mga kamag-anak ko tapos nun, introvert pa ako. Kaya nga naging writer ang Danny di ba? Kailangan malakas kapit mo. Parang tuko ba? 

A si ganyan, big time na kwan. Matawagan nga. Joke lang. 

So in all honesty, hindi ko pa alam kung paano talaga magbebenta. That's the sales and marketing part na hindi naman namin lubusong natalakay. But I have a few ideas...


"Mga Drama ni Danny"

Kung minsan, tinotopak ako't sa loob ng kadiliman at kasulok-sulukan ng aking kamalayan ay nakakapagsulat ng mga drama. 


Dear Future Filipino, Today, August 11, 2015, we have a nation that's now 101.6 million Filipinos. Nothing has...
Posted by Daniel Andrei Romero Garcia on Monday, 10 August 2015

Kunsabagay, kaya nga writer ang tawag sa kin di ba hindi PR. 

Ang motto ko'y 

Veritas Lux Mea
The Truth is My Light

O ayan, Latin pa yan ha. Kung minsan pinagbubulay-bulayan ko ang nature ng pagiging real estate broker. Sa isip isip siguro ng 99% ng mga tao, "Aba ma-pira ang mga ganyan." "Aba malaki ang konsumisyon, este, komisyon niyan.

Siguro nga'y totoo para sa kanila. Pero ayaw ko ng ganoon. Ok lang ang magkaroon ng pera para sa pang araw araw na pangangailangan, pambayad ng tuition, pambayad kay Tita Kim, pambayad kay ganyan, ganito. Masaya din siguro ang may apat na gulong at sumasakit na rin ang likod ng Danny sa maalog na tricycle at mala tuberculosis na jeep. 

Pero ang dasal ko palagi ay, 

"Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. 9 Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan."

Kawikaan 30:7-9

"Puno"

Siguro, kung ako'y mabibigyan ng pagkakataong maging successful sa larangan na ito ay imumungkahi ko sa mga developer sa pamamagitan ng batas, na

i-disclose nila sa mga advertisement nila kung ilang puno ang pinagpuputol nila - OR - if you want to present it positively, kung ilang puno ang itinanim nila kapalit ng mga puno na pinutol nila para maipatayo ang project nila. 

Siguro mas maganda rin, kung yung mga puno na tinanim ay gagawin ding adopted tree ng mga house buyer. Para magaan naman ang isip ng mga buyer na, aba, bumili na ako ng bahay, nakapagtanim pa ako ng puno. Hindi ko sinira ang environment para lamang magkabahay ako.

Hindi ba mas maganda pag ganoon, may balance.

Sunday, August 09, 2015

The Adventures of a Rookie Real Estate Broker - Chapter 2 "Panunumpaan"

Ipagpaumanhin niyo po sana kung ngayon lang ako muling nakapagsulat. Kayrami ng kinailangang puntahan at gawin noong mga nakaraang buwan, kayraming adventures na hindi naisulat. Bukod pa roo'y nasira ang computer at nawalan ng Internet for almost 2 months.

Ganito pala ang pagiging PRC licensed real estate broker, magastos. (O ayan, may bold face at underline pa yan ha)

Kami'y nagparegister sa PRC, nanumpaan, pabalik-balik sa Maynila, pa-attend attend ng mga convention, General Assembly, nagpunta sa HLURB sa Calamba, membership meeting at papicture picture para magawa ang mga kailangang gawin bago maging isang payak at lehitimong lisensyadong broker. Katakot takot na pila, katakot takot na paglalarga at katakot takot na pamasahe ang inabot ko.

Kung sabagay, lahat naman ng ito ay hindi naman talaga kailangan. Minabuti ko pa ring dumalo upang maramdaman ko naman ang aking panibagong propesyon.

Natupad na rin ang aking pangarap...
na makabili ng puting polong barong...

"Panunumpaan"

"Kailangan pala ng lisensya niyan?" sabi nung bunging tricycle driver habang ako'y nagco-commute pauwi sa bahay.

"Aba, oo," ka ko sa kanya pasigaw sa hangin sa likod ng tricycle na matulin, "pwede ka kaya makulong o magbayad ng daan daang libo kapag nagbibili ka ng bahay at lupa na hindi naman iyo at kapag hindi ka lisensiyado."

Pauwi ako noon galing sa maraming lakad sa Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque area. Nag papa-accredit sa developer, nag-aattend ng mga meeting, nag-sisite orientation. Bukas ko na papaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga yon. Sa madaling salita, nagsusunog ako ng pera para makapunta sa iba't ibang lugar. Parang ang saya pakinggan ano?

Burn money, will travel.

Ang problema, kaunti lang ang pera ng Danny. Hindi po pwede makisuno sa Maynila.

"A ganon pala iyon." tanging nasambit nung tricycle driver.

Binigyan ko siya ng flyer ng Amaia Batangas, sabi ko sa kanya, "O yan pare, tignan mo o. Este, hawakan mo lang muna at baka madisgrasya tayo. Mamaya mo na tignan."

Kinuha niya ang flyer at inilagay doon sa suksukan ng tricycle niya.


"Mga 'Maliliit' na Milagro nung Hunyo at Hulyo"

Naranasan mo na ba ang lumuwas pa-Maynila ng wala kang kapera pera? Halos imposible di ba? Ngunit sa araw na iyon, ako'y nakaranas ng isang maliit na milagro. Ewan ko ba kung bakit ako'y hindi mapakali at pakiramdam ko'y kailangang kong makapunta sa NGMM (National General Membership Meeting) ng REBAP (Real Estate Brokers Association of the Philippines.

Halos P180 pesos lamang ang tangan sa bulsa, samantalang ang pamasahe ay umaabot ng:

1. P20.00 - Tricycle papuntang Starbucks Lipa (P15 dapat pero mahabang istorya)
2. P8.50 - Multicab papuntang SM Grand Terminal
3. P94.05 - RRCG bus papuntang Alabang South Station o Starmall (Oo, may 0.05 pa)
4. P8.00 - Jeep mula Alabang hanggang Toyota BF

Ayan P130.00 na, hindi naman ako makakauwi.

Teka, bakit ako bumaba sa Toyota BF kung sa Le Pavillion Pasay ang lakad ko?

Iyon ang unang maliit na milagro.

Nandun kasi ang bahay ng aking ina. Baka sakaling makahiram ng kotse at kaunting pang-gasolina. Paano naging milagro? Hindi ko alam kung nasa bahay siya sapagkat hindi ko siya ma contact sa cellphone.

Pagdating ko doon, naroon ang kotse, naroon ang mommy.

"Ma, good morning! Baka po pwedeng makahiram ng kotse? Kulang kasi ang pamasahe ko." Sabay kamot sa ulo na nahihiya. After all, 33 anyos na ako.

Sa kabutihang palad, at kabutihan ng mama, aba naka hiram pa ng P500 pesos na pang-gasolina.

Hindi pa iyon ang milagro. :)

Sa madaling salita nakarating ang Danny sa NGMM sa may Le Pavillion, Pasay, at -

Si Kuya Eddie at si Danny na tabingi ang kurbata


Sa hindi inaasahang pagkakataon, nanalo ako ng PHP5,000 EGC mula sa Ayala Land. 

P5,000 EGC Ayala Land
REBAP NGMM June
Parang sa isip isip ko noon, iyon lamang ang pagkakataon na nanalo ako ng isang bagay na hindi ko pinaghirapan. Hindi ko na maipaliwanag ng husto pero, that's what happened, can you comprehend?

So pag-uwi ng bahay, ibinigay ko sa aking ina ang P3,000 na EGC. "Praise the Lord! Eto po ma, malapit lang ang ATC. Good as cash po iyan."

Ngiti ko'y parang asong ewan, hindi pa rin makapaniwala sa aking suerte - ops, hindi nga pala ako naniniwala sa suerte. Itinalaga ng Diyos iyon para sa Kanyang layunin.

Syempre, ang naiwan ay para kay Komander, hiniram ko sa kanya yung P100 e. Paguwi ko sa bahay, ngiting ngiti ako at nag-abot ng Angel's burger (kuripot ko ano?). Buy one take one kasi eh.

"But wait, there's more!" Sabi ko :)

Sa kanya ko ibinigay ang P2,000. (Na sa kabaitan ng aking misis, ay ipinang regalo din niya sa aming mga kaibigan sa Homeschool Fellowship namin dito sa Batangas, nang sila ay bumisita at nagdala ng bigas kung kailan walang wala na ang kaban ng mga Garcia)

So, Lord, galing mo talaga. Salamat po at salamat sa mga taong ipinakilala niyo sa amin. Salamat po sa lahat ng biyaya, salamat po sa lahat ng milagro maliit man o malaki.


"Sobre"

Naranasan mo na ba ang makatanggap ng sobre?


"Oo naman, Globe bill, Meralco, Cease and Desist Order o kaya Warrant of Arrest" sabi siguro nung iba.

Wag daw ganun, positive daw. O yan, birthday, kasal o invitation sa kasal. O di ba happy?

Hindi rin ganun e.

May cash sa loob.

"Bakit birthday mo?"

Hindi.

"May namatay?"

Wala.

"Sirit na! Kulit talaga nito!"

Wala lang. Binigyan lang nila ako. Hindi ko alam kung bakit.

Dun ko natutunan ang ibig sabihin ng "Grace". Halos kaapilyido namin yan, o di ba? "Garcia"

Sinong Grace? Hindi sino.

Ano.

August 9 @ Victory Lipa 8 AM service
Parang ano. Yung kwan. Nung namatay si Jesus Christ para sa kasalanan natin. O di ba Diyos siya? Gets mo ba?

Kung si Stan Lee (Marvel Comics) ang nagsulat ng Bible, siguro si Jesus Christ ay magiging super powerful na King of the universe. Parang makukuha niya powers ni Wolverine, Cyclops, Galactus, Magneto, Professor X, Spiderman, Superman, Batman at iba pa.

Buti na lang hindi comics ang Bible.

Sa halip, naging tao siya. Tapos tinuruan tayo. Pero ano ang ginawa natin, kinutya, dinuraan, pinako ng kapwa nating mga tao sa krus.

Para saan? Bad trip namang super hero si Jesus Christ kung ganyan.

Ayan, nakatatak pa dun sa krus INRI o "Iesvs Nazarenvs Rex Ivdaeorvm" o sa Tagalog "Hesus Nazareno, Ang Hari ng mga Hudyo" bilang pagkukutya sa Kanya.

Andami nating mga Kristiyano kuno, hindi naman alam ng nakakarami kung bakit siya pinako sa Krus. Saka tapos na yun. Nabuhay na Siyang muli.

Alam mo ba kung bakit?

Sirit na?

Parang kanta ni Manny Pacquiao, "Para sa iyo..."

Oo, ikaw.

Sabi ni Basil Valdez, "You"

Pinako si Jesus Christ para sa iyo at sa mga kasalanan mo. Eto lang ata yung bida nung istorya na namatay para dun sa mambabasa.



"Kahit Pagkakamali Nagiging Blessing"

Binabalak ko sanang ipa-dedicate ang aming bunso at pangalawang bunso noong ika 25 ng Hulyo. At dahil kapos sa cash, napag-isipan na lang namin na ipostpone.

Sad story? Move on?

But wait there's more again!

Sa aking pagiging makakalimutin at gayak na excitement bago ang non-event, nalimutan kong sabihin sa isa sa mga inimbitahan kong tao na na-postpone yung dedication. Isa siyang kaibigan ng aking ama at ngayo'y big time na.

Habang busy sa pagfacebook, biglang may nagtext, "Danny, nasa gate na ako, pakibuksan."

"Ay siya, patay." Sa isip isip ko.

Mabuti na lang at kalderetang manok ang ulam. Kahit papaano, dedication worthy, sort of, na siya.

Natuwa naman ako nung makita ko yung tao, at syempre, todo apologies.

Nakipaghuntahan ng kaunti, at tinignan ang lugar at sa aking gulat, biglang dumukot sa bulsa at nag-abot ng P9,000.

"Aba, hindi ko po matatanggap ito. Baka pag tinanggap ko'y hindi na po kayo pumunta dun sa tamang petsa. Naku sorry po talaga."

"No Dan, tanggapin mo na at babalik kami."

E di tanggap.

Masama raw tumanggi sa pagpapala. "O siya, sige," ka ko, "maraming salamat po."

Nung mga panahon na iyon, walang wala rin talaga ang Danny. Nakakahiyang tanggapin pero, siguro nga, sa kahinaan natin at ng iba, dun napapalakas ang tiwala natin sa Diyos.

Lahat ng bagay ay may dahilan. Hindi man natin nalalaman kaagad. Makalipas kasi ang ilang linggo mula noon ay may nangyari ding hindi inaasahan. Bagamat hindi ko kakilala ang tao, nabanggit sa akin ang pangyayaring hindi maganda.

Mas bata pa sa akin yung pumanaw. Sa kadiliman ng mundo minsan ay may mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Isang Youth Pastor ang napatay ng nagulantang na magnanakaw, na nanloob sa kanila at nagtatago sa loob ng CR, at sugatan naman ang kanyang may bahay. Sa pagsambit sa akin ng isang ka-meeting ko na iyon ay may kumalabit sa aking puso. Dinala ako sa Muntilupa upang doon ay makiramay sa pamilya ni Pastor Jesus Arandia II. Youth Pastor ng Lighthouse Muntinlupa. 30+ anyos. 4 months pa lang silang kasal.

Dahil doon sa binigay sa akin, nagka mayroon ako ng pamasahe at nabigyan ng pagkakataong makiramay, kahit hindi ko kilala.

Lahat ng bagay ay may kadahilanan. Walang aksidente. Walang suerte. Walang malas. Pero noong araw na iyon, tikom ang aking bibig ng ako'y mamamaalam na dun sa batang biyuda ni Jesus. Si Danny, bantug na writer (daw) walang masabi.

~ o ~

Siguro nga ay nakakahiya ang aking sitwasyon sa mata ng mundo, I mean, yung pagiging 'broke' broker. Pero sa bawat istorya ay may nakasailalim pa na sampu, isang daan o isang libo pang istorya. Sa buhay nating maikli hangarin ko'y hindi pagsilbihan ang pera, kundi ang Diyos.

Yes, real estate broker po ako. Pero kung ako'y gagawing broker ng Diyos, bakit hindi. Kayo na po ang bahala, di ko naman alam ang gagawin bilang broker ni God. (Tama ba yon?)

"God's Broker"

(Parang di naman ata kailangan ni God ng broker. Saka anu ba malay ko... Ako'y isa lamang writer at manlulupa...)

~ o ~

Sa Diyos nating si Hesu Kristo nawa lahat ng karangalan, lahat ng pagpupugay at lahat ng pagpupuri.

Soli Deo Gloria.

Tuesday, June 16, 2015

The Adventures of a Rookie Real Estate Broker - Chapter I "Chemotherapy"

Maaga akong bumangon at sa aking paggising ay medyo kinakabahan. Luluwas na naman ako pa-Maynila at sasabak sa tinatawag ng marami na "rat race". Mula dito sa kabukiran ay tila nag-iba ang anyo at kasuotan ng mga tao. Paglapag ko pa lamang sa Alabang South Station, iba na nga ang mundo at medyo pakiramdam ko ay tumatanda na ako. Ganun pala pag ika'y namundok o namukid.

Nariyan ang mga estudyanteng magkakaibigan, ang inang naghahatid sa kanyang anak, ang bagong mga graduate na may hawak-hawak na brown envelope, ang mga nag-aapply, ang mga nagbibisi-bisihan na istambay, ang mga turista, ang mga yuppie na may matutulis na itim na sapatos, ang mga mag-nobyang nakaakbay - at nariyan si manong.  

Si Manong sa loob ng Igan Bus papuntang Vito Cruz mula Alabang

"Chemotherapy" 
Tila hindi ko malaman kung paano, magre-react kay Manong. Sa isang panig ay lumalabas ang aking pagka-praktikal na tao. Sa isip-isip ko, "Anong gimik nanaman ito? Kahit siguro isang libong biyahe pa Lawton, pa Alabang o pa-Baguio ay hindi siya makakalikom ng karampatang halaga para sa chemotherapy niya."

Sa aking pagkilatis ay tinignan ko siya - at tinitigan niya ako. Batid ko sa mga namumugto niyang mata, payat na katawan at iba pa, na maaari ngang totoo ang kanyang ipinahihiwatig. Naalala ko tuloy ang lahat ng mga taong yumao na kakilala ko dahil sa kanser. Masakit, malungkot, mapait, ngunit ganoon nga ang buhay.

Parang regalong hiram lamang natin.

Tilang naglalaban laban ang aking mga damdamin sa pagkilatis ko sa kanya. "Bibigyan ba o hindi?" ang tanong na paulit-ulit umaalingawngaw sa aking gunitain. Nais ko sana siyang kausapin, nais ko sana siyang "imbestigahan", ngunit sa bandang huli ay nanaig ang aking pampersonal na lakad at buhay. Hindi ko kayang pagalingin ang anumang sakit mayroon siya, mapa problemang bulsa man ito o mapa kalusugan.

Marami na rin akong libing na napuntahan.

Patawarin sana ako ng Diyos, kung ako'y nagkamali at naging makasarili, binigay ko na lamang ang hawak kong barya.

Sa Las Pinas

Tia Maria Building Las Pinas
Nakarating ako sa Las Pinas at tumuloy sa Star Mall upang maghanap ng bag na maaaring paglagyan ng mga dokumento. Kakailanganin ko ito kung ako'y sasabak sa mga lansangan upang maghanap ng lupa na maipapagbili.

Wala akong nakita na aabot sa aking budget. Kaya ako'y tumigil na lamang sa Coffee Bean, nagbasa ng libro at uminom ng kape.

Ang pamagat ng librong binabasa ko ay "How to Protect Your Property and Business from Lawsuits" ni Jim V. Lopez. Sa aking pagtugis sa librong ito, batid ko na magaling na manunulat si Jim Lopez. Hindi mala teknikal ang kanyang pagtahak sa isang paksang natural na napakabusisi at napaka"boring". Bagkus marami itong mga anekdota at mga katotohanang bumabagabag sa lagay ng tao, sa buhay niya sa mundong ito at sa mga ari-arian niya.


Full Quote:

Bourgeois Blues
Alexis de Tocqueville, the French historian and one of the giants of social thought who wrote Democracy In America in 1835, may have unknowingly unveiled the underlying force behind the evolution of asset protection law: fear of loss of possessions. Generally, inhabitants of a democracy have property, and live in conditions in which men attach most value to property. Tocqueville observed that the passions due to ownership are keenest among the middle class. "The poor often do not trouble much about their possessions," he writes, "for their suffering from what they lack is much greater than their enjoyment of what they have. The rich have many other passions to gratify besides those connected with wealth, and moreover, the long and troublesome management of a great fortune sometimes makes them in the end insensible to their charms." 
But what about the people who belong to the middle class, whose comfortable existence is equally far from wealth and poverty? Members of the middle class place too much value on their possessions. Perhaps, Tocqueville's thoughts about the close affinity of the middle class to their assets were on target when he concluded that "the constant care which it occasions daily attaches them to their property, their continual exertions to increase it make it even more previous to them. The idea of giving up the smallest part of it is insufferable to them, and the thought of losing it completely strikes them as the worst of all evils."
~ (How to Protect Your Property and Business from Lawsuits, 
Jim V. Lopez, 
Anvil Publishing, 2003) 

Yun nga ang Katotohanan
Kung ika'y mahirap, ang mga nasa isip mo parati ay ang kalagayan at problema mo, kung ika'y mayaman hindi mo na iisipin pa ang pagkayaman mo. Kung ikaw naman ay nasa middle class, ika'y nangangamba na mawala ang lahat ng pinaghirapan mo kaya't ika'y patuloy na kikilos ayon sa iyong takot at pangamba. 

Lahat tayo'y mamamatay sa takdang panahon na hindi natin malalaman. Marami akong nakitang mga namatay, mahirap, middle class man o mayaman, sa oras na hindi nila inaasahan. Kapag titingnan mo ang kanilang naging kalagayan, ika'y matutulala din sa tindi ng kanilang kapighatian at higit pa ang kapighatian ng mga naiwan nila. 

Nariyan ang mga mayayaman, na may sangkaterbang ari-arian. Pag sila'y namatay, ang unang problema nila ay ang BIR, Estate Tax. Lalo na pag hindi handa ang pamilya, ang pagbayad ng Estate Tax sa gobyerno at paglakad ng sangkaterbang papeles ay tunay na nakakayanig sa tao na parang malakas na after shock ng lindol ng kamatayan. Kapag sila'y hindi napatnubayan ng husto ay dadanak ang samu't saring problema na ang iba ay dala na rin ng kasalanan at kakulangan ng kaalaman.

Nariyan ang mga mahihirap na baon sa utang at halos walang ari-arian. Sa pagpanaw ng breadwinner ng pamilya ay tila lalo lamang nababaon sa utang ang mag-anak. Paano na ang High School ni Junior? Inutang para maipalibing si Tatay. Paano na ang pagkain natin ngayon? Pinambayad na doon sa 5-6. Anong estate tax, estate tax? CLOA ang hawak, paano nga ba lalakarin yun? Bahala na. Hindi naman tayo basta basta papalayasin ni Mayor. Binoto ko siya e.

Nariyan ang mga middle class. Ang mga problema nila'y pawang isang hakbang sa problema ng mga mayayaman at isang hakbang sa problema ng mga mahihirap.


Business Meeting
Sa aking pagbubulay-bulay sa mga bagay na aking natutunan, pumasok sa aking isipan ang aking pupuntahan. Sinarado ko ang libro, tumayo at lumabas ng Coffee Bean upang magtungo sa opisina ng REBAP, na katabi ng Day by Day Ministries, na siyang paboritong pakinggan ng aking ina. 




First time kong pumunta sa isang "real estate business meeting" ng isang professional real estate organization. Ang una kong tanong sa aking sarili ay "Ano nga ba ang ginagawa ng mga broker sa isang business meeting?"

Ang sagot ay "pansit".

Ang unang ginagawa ay kakain ng pansit. Masarap, malinamnam at nakakatuwa dahil nakakasalamuha mo ang mga taong maaari mong maging mentor o tagapayo. Nariyan na ang mga beterano at may mapupulot ka ngang ginto sa kanilang mga sinasabi.

Mga Payo ng mga Tito at Tita Brokers

"If you're starting out and know nothing about real estate, go into project selling first." 
~ Tito Jimmy 
"Don't be afraid to ask. We are a family." 
 ~ Tita Cynthia

"Every transaction is peculiar, don't be afraid to ask."
~ Tita Eden

"There are literally so many projects to sell - choose and focus on the one you like the most."

~ Tita Zeny

Listing exchange
Tila ito pala'y parang laro, na kung saan, every broker is given a turn to present their listing. Listing, defined loosely, is the property that a broker is selling. So for instance, Broker A has a buyer-client, who is looking for a vacant lot in Canyon Woods, Tagaytay, 400 sqm., overlooking Taal lake and if another broker has a selling-client then the two can exchange this piece of information with each other and they can share the commission. That's the ideal scenario.

In short, para pala itong laro ng Monopoly. Nakakatuwa at nakakalibang.

Sa katunayan, sa ngayo'y inaasikaso ko na muna ang aking lisensya na malapit ko ng makuha. Mangyaring marami pa akong maibabahagi sa inyo na mga adventures.

Kapag ako'y pagpapalain, nais ko sanang ihandog sa Panginoon ang una kong kikitain.

Thursday, June 11, 2015

Fujihama CG411 Brush-Cutter Review

Most developers, farmers and Philippine landowners have this constant maintenance concern in mind - weed trimming. These perennially growing nuisance as far as my experience can count, only has three uses that I know of - food for animals, compost and it keeps the soil from eroding. Yes we need them, but we want them to be neat and trimmed just a few centimeters above the ground.

Fujihama CG411 - brush-cutter 

Now, if you are on a tight budget, it's easy to be attracted to cheap China made brush-cutters that one can buy from these surplus shops which sell imported "pre-loved" or "pre-owned" tools. 


As the saying goes, caveat emptor or "buyer beware". That good deal might come along with a box of Biogesic.




Fujihama CG411 - brush-cutter
I have been cutting the grass in our farm for the better (or worse) part of 4 years. I've had two shoulder slung grass cutters. My first one is a Kawasaki-TH43, a true workhorse, but old and outdated nevertheless.

Fujihama CG411 - brush-cutter
At that time, the Barangay keeps on borrowing it and I had to bring it in for regular maintenance to Lipa City's ever famous Mang Nic (near the cultural center) for maintenance and repair. I sold it to the Barangay for 4,000 pesos and used part of that money to buy the shiny looking Fujihama CG411 last year.

Big Mistake.

Now, don't get me wrong. The CG411 does a good job - at the beginning. After just a few months I've noticed these problems:

  • After a few hours of heavy duty work, the engine just dies off, maybe it's from overheating. 
  • The Allen bolts (hexagon top) keep falling off - or consider the alternative - somebody, God forbid, is removing the bolts...
  • Fujihama CG411 - brush-cutter
  • It is taking longer and longer to start. 
Of these three, the last one is giving me the most headaches. I have replaced the spark plug and tried to clean the inside parts with gasoline before. But after 3 months of not using it, ayaw na talaga mag-start.

Worst is, before whenever I try to start it, I have to press the trigger. Now, even that doesn't work.

I am not a mechanic...are you?

But if you don't want to buy a lot of Biogesic, do not buy the Fujihama CG411. Mahirap magstart, mahirap ang maintenance. It may be cheap (5000 to 6500). But it's not worth it. Even at full throttle it takes a bit of experience to cut the toughest Napier like talahib. Taas muna, tapos utay-utayin hanggang maabot yung ibaba nung damo.

Good for very, very, very light work

If it's good for one thing, it's good for light cutting work - or making a lot of noise. Yung tipong 100 sqm lang ang tatrabahuin mo. But if you're cutting, let's say a one hectare farm or the Star Tollway. Best go for a better professional brush cutter.

If I had more budget, I want to try the brand that says, "We don't sell toys, we produce professional equipment."